Best in Cowboy & Cowgirl Attire | 47th City Day Celebration
Published: August 12, 2016 05:09 PM
Isa sa naging atraksiyon at inabangan sa pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose ang mga "Cowboys" at "Cowgirls" na dumalo sa programa nitong ika-10 ng Agosto.
Naghatid ng kwela at saya ang mga napiling 25 finalist sa Best in Cowboy and Cowgirl Attire, lalo na nang isa-isa silang rumampa sa entablado sa Pag-asa Gym.
Maging si Punong Lungsod Mario "Kokoy" Salvador ay masayang naki-pose sa mga kalahok.
Sa huli ay itinanghal na may Best Cowboy Attire si G. Melchor Correa ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative at Best Cowgirl Attire naman si Bb. Divine Esquivel ng DepEd. Tumanggap sila ng tig-P5,000.00 bilang papremyo at lahat ng finalist ay binigyan naman ng P1,000.00 consolation prize.
Ginawaran din ng special award ang finalist na si Bb. Victoria Garcia ng LGU.