Awarding of Artificial Legs | 31 August 2016
Published: September 01, 2016 05:28 PM
Naipamahagi na kahapon (Agosto 31) sa 18 PWD (persons with disability) ang mga libreng braces at prosthetic legs o artipisyal na paa na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa mensahe ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador, sinabi niya na hindi kailanman naging pabigat sa lipunan ang mga PWD, sapagkat bawat isa aniya ay may nagagawa at naitutulong sa pag-unlad ng isang pamayanan.
Ayon pa kay Mayor Kokoy, patuloy ang ginagawang pagpaplano ng Pamahalaang Lokal upang magkaroon ng programang pangkabuhayan para sa mga PWD.
Dagdag ni CSWD Officer Lourdes Medina, hindi hadlang ang kapansanan upang maging normal ang takbo ng kanilang pamumuhay, kaya’t nagpapasalamat siya sa mga naipamahaging prosthetic legs para sa mga ito.
Nagpasalamat din ang Punong Lungsod sa PCSO, Prosthesis Brace Center at CSWDO na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang nasabing programa.
Samantala, nagpapatuloy ngayong araw (Setyembre 1) sa PWD Office ang pagtanggap ng iba pang aplikante na magpapasukat para mabigyan din ng prosthetic legs sa susunod.