News »


Clean-up Drive & Anti-Dengue Campaign at Pinagcuartelan

Published: August 24, 2016 04:57 PM



Nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng clean-up drive at pag-spray ng lamok laban sa dengue nitong ika-18 ng Agosto sa Pinagcuartelan, matapos makapagtala ng anim na kaso ng dengue sa nasabing lugar.
Nanguna sa naturang gawain sina Program Leader and Sanitation Inspector II John Eric D. Dizon, Rural Health Midwife Betty Hermano, Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Officials.
Nagbigay naman ng lecture si Sanitation Inspector Dizon kung ano ang mga dapat gawin para makaiwas sa dengue at para mapanatili ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.
Itutuloy ng CHO ang pag-iikot sa mga barangay sa lungsod para sa kampanya kontra dengue.