News »


Zumba in the City

Published: August 11, 2016 04:38 PM



Bagamat puro kababaihan ang kasali, game na game din na nag-Zumba si Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa “Zumba in the City” na ginanap sa 2nd floor ng Public Market Building (covered parking area) noong ika-9 ng Agosto.
Batid ng Punong Lungsod ang kahalagahan ng pagiging “fit and healthy” kaya naman suportado niya ang mga aktibidad na pangkalusugan at siya ay aktibong nakikibahagi sa mga programang nagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.
Kasama rin sa nasabing fitness activity si Vice Mayor Glenda Macadangdang na napapanatili ang magandang pigura dahil sa regular niyang pagzu-Zumba.