News »


DSWD "TARA" Meeting | 24 August 2016

Published: August 25, 2016 03:43 PM



Dumayo sa lungsod ang mga Social Welfare and Development Officers mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Nueva Ecija kahapon (Agosto 24) para dumalo sa Technical Assistance and Resource Augmentation o “TARA” Meeting.
Malugod namang tinanggap at binati ng butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang mga bisita.
Pinuri din ni Mayor Kokoy ang kasipagan ng mga Social Welfare and Development Officers at hinikayat ang mga ito na mas pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
Tinalakay sa pulong ang ilang updates tungkol sa Travel Clearance, Bottom-up Budgeting (BUB), Sustainable Livelihood Program (SLP) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD, at Social Welfare and Development Indicators (SWDI) Assessment.
Naging paksa rin ang bagong batas na RA 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III noon lamang ika-23 ng Hunyo.
Dagdag pa rito, pinag-usapan ang ikalawang implementasyon ng Cash for Work Program for Climate Change Adaptation and Mitigation, at Protocol on the Rescue and Rehabilitation of Abused Kasambahay.
Kasamang dumalo sa nasabing pagtitipon sina DSWD Assistant Regional Director for Administration Irene C. Crespo at Provincial Team Leader Remedios F. Torres.