U4U - Orientation of Facilitators
Published: August 11, 2016 04:28 PM
Nagsagawa ang City Population Office ng Orientation para sa mga Facilitators ng ‘U4U’ nitong ika-9 ng Agosto sa San Jose City National High School Alumni Hall.
Ang You-for-You (U4U) Teen Trail Caravan ng Commission on Population (POPCOM) ay naglalayong itaas ang kamalayan ng kabataan tungkol sa “Adolescent Sexuality and Reproductive Health” (ASRH).
Isa itong kampanya para madagdagan ang kaalaman ng mga kabataang Pinoy para mapigilan ang maagang pakikipagtalik (early sex) at pagbubuntis (teenage pregnancy), at para maiwasan ang mga sexually transmitted infections.
Aktibo namang lumahok sa U4U Orientation ang mahigit 100 kabataan na kinabibilangan ng grupong Youth Singles for Kokoy (YSK) at iba pang high school students.
Nagsilbing tagapagsalita sa programa sina POPCOM Information Officer III Adreal Denver Monterona, POPCOM Information Officer II Isa Chan, at POPCOM Planning Officer II Pamela Pangilinan.
Nagbigay din ng mensahe ang anak ng butihing Punong Lungsod na si Alexis Salvador na kasalukuyang Honorary President ng YSK. Aniya, ang mga kabataan sanang dumalo ay maipaabot sa kanilang mga barangay ang kanilang matututunan sa seminar.
Dumalo rin sa programa sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, Konsehal Patrixie Salvador, Konsehal Ryan Laureta, Konsehal Roy Andres, Konsehal Ronald Lee Hortizuela, at Executive Assistant Fortantino Amorin Jr.