TRAFFIC MANAGEMENT COUNCIL MEETING | 17 August 2016
Published: August 18, 2016 02:00 PM
Nag-organisa kamakailan si Mayor Mario "Kokoy" Salvador ng bagong Traffic Management Council na siyang mangunguna para tugunan ang mga isyu sa trapiko.
Kaugnay nito, nagpulong ang mga miyembro nito kahapon (Agosto 17) para tukuyin ang mga dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko at magmungkahi ng mga maaaring solusyon ukol dito.
Isa sa mga napagkasunduan ang mahigpit na pagpapatupad sa mga naipasa nang ordinansa gaya ng Color Coding Scheme sa mga tricycle, at No Parking sa ilang kalye sa City Proper.
Iminungkahi rin na babaan ang bayad sa pagkuha ng prangkisa ngunit tataasan naman ang multa ng mga colorum.
Mariin itong sinang-ayunan ng Punong Lungsod at nais niyang pagsapit ng taong 2017 ay wala nang mga colorum na namamasada.
Nakatakda namang dinggin sa Sangguniang Panlungsod sa susunod na linggo ang nasabing rekomendasyon ng Traffic Management Council para ito ay maisabatas.
Samantala, nagsimula na noong nakaraang Biyernes (Agosto 12) ang City Franchising and Regulatory Office na pulungin ang ilang miyembro ng TODA para sila ay mapaalalahan ng mga ordinansang direktang may kinalaman sa mga namamasadang tricycle.
Bukas (Agosto 19) at sa mga susunod na linggo ay pupulungin din ang iba pang mga TODA.
Dagdag pa rito, uumpisahan na rin ang paglalagay ng mga traffic signages o karatula at road markings.
Kasalukuyan na ring pinoproseso ang pagbili ng karagdagang equipment o gamit para sa pagkontrol ng traffic lights pati na ng CCTV na ilalagay sa Maharlika Hi-Way.