News »


City Day Mini-Trade Fair

Published: August 15, 2016 05:11 PM



Kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong ika-10 ng Agosto ang 10th Gatas ng Kalabaw, kaya naman isang Mini-Trade Fair ang binuksan sa Pag-asa Gym para i-promote ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw.
Nanguna sa ribbon-cutting ang ating minamahal na Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador kasama ang mga stakeholders ng Gatas ng Kalabaw Festival.
Lumahok sa naturang trade fair ang iba’t ibang kooperatiba gaya ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative, Simula ng Panibagong Bukas (SIPBU) Multi-Purpose Cooperative, Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperative (NEFEDCO), Brotherskeepers Multi-Purpose Cooperative, at Catalanacan Multi-Purpose Cooperative.
Sumali rin ang iba pang samahan at maging ang ilang karatig bayan ay dumayo rin para magbenta ng iba pang produktong Novo Ecijano.