"Go for Health" | City Health Office Program
Published: August 09, 2016 05:45 PM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose, nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng libreng serbisyong pangkalusugan ngayong araw (Agosto 9) gaya ng Random Blood Sugar (RBS) Examination at Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen.
Mayroon ding libreng snacks para sa lahat at exhibit tungkol sa mga programang pangkalusugan gaya ng mga paraan para makaiwas sa dengue, tips para hindi magka-diabetes, mga panganib na dulot ng paninigarilyo, at iba pa.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang ating minamahal na Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador, Konsehal Patrixie Salvador at Executive Assistant Willie Valdez.
Sa mensahe ni Mayor Kokoy, masaya niyang ibinalita ang bagong ipapatayong ospital ngayong taon na ngayon pa lamang ay hinahanapan na ng mga kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray machine, at electrocardiogram (ECG).
Dagdag ng ating butihing Punong Lungsod, kapag nabili na ang mga naturang kagamitan ay pansamantala muna itong ilalagay sa CHO para mapakinabangan na kahit na hindi pa ganap na natatapos ang bagong ospital.
Masaya ring ibinalita ni Mayor Kokoy sa mga Senior Citizen na may PhilHealth na wala na silang babayaran kapag sila’y magpapakonsulta sa bagong ospital.