Orientation on Shielded Metal Arc Welding (SMAW) | 22 August 2016
Published: August 23, 2016 02:03 PM
Nagsagawa ng orientation kahapon (Agosto 22) sa Barangay Abar 2nd at Caanawan tungkol sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI at NCII na kasalukuyang inaalok sa San Jose City Skills Training Center.
Ipinaliwanag ni Executive Assistant V Cesar “Sandy” Cervantes sa mga residenteng dumalo sa programa at papasok sa Skills Training Center ng Lokal na Pamahalaan na layunin nitong matulungan ang mga San Josenio na magkaroon ng libreng pagsasanay sa kaalamang teknikal at vocational.
TESDA-accredited ang kursong SMAW dito kaya naman ang mga magtatapos at makakapasa sa assessment ay mabibigyan ng National Certificate (NC) mula sa TESDA.
Ipinaliwanag naman ni NCII Trainor Michelle Castro kung ano ang mga pagsasanay na gagawin sa ilalim ng NC-I at NCII, at kung gaano kahalaga ang TESDA Certificate kapag magtatayo ng negosyo at kapag papasok sa trabaho lalo na sa pangingibang bansa.
Kaya payo ni Ginoong Cervantes, huwag sayangin ang pagkakataong ito dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. Masaya ring ibinalita sa mga naroon na mag-aalok din ang ating Skills Training Center ng agricultural-based courses sa mga darating na panahon.
Bibisita naman sa susunod na linggo ang ating Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador para maghatid ng magandang balita tungkol sa programang ito.