News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija




�Kariton Mo, Itulak Mo�

Published: August 23, 2018 10:34 AM
Bumida ang mga matitipunong trabahador ng rice mills, kamalig at palay buying stations sa lungsod na lumahok sa bagong larong �Kariton Mo, Itulak Mo� na isinagawa nitong Agosto 9 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika- 48 taong pagkakatatag ng lungsod.






DILG, Bumida sa Clean-up Drive sa Lungsod

Published: August 23, 2018 10:49 AM
Kasisikat pa lamang ng araw kanina, Agosto 4, nang aktibong naglinis sa Sibut-Palestina Bridge ang mga hepe ng iba�t ibang opisina ng DILG sa mga bayan ng Nueva Ecija, kasama Makisig Rescue 3121, Public Order & Safety Office at mga opisyal ng Barangay Sibut at Palestina. Maging ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ay masiglang sumuporta at sumali sa paglilinis.

Pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Public Market

Published: August 23, 2018 10:49 AM
Naging paksa sa pagpupulong ng market vendors na ginanap sa Office of the City Mayor Conference Room nitong hapon (August 2) kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Public Market.

Turks, Bukas na sa Lungsod!

Published: August 23, 2018 10:50 AM
Bilang suporta at pasasalamat sa mga negosyanteng dumadayo sa lungsod upang magtayo ng negosyo, pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang ribbon cutting ng Turks kaninang umaga (Agosto 1) sa Magic Mall 2 Bldg, Maharlika Highway, San Jose City.

Mga mag-aaral, nagpaligsahan ng galing sa pagsulat at pagguhit

Published: August 23, 2018 10:50 AM
Lumabas ang pagkamalikhain ng mga batang San Josenio sa katatapos na Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making at Pintahusay contests na isinagawa sa 3rd Floor Conference Room noong Huwebes, July 27, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48 San Jose City Day.

Nutrition Month, pinasigla ng mga mommies at babies

Published: August 23, 2018 10:50 AM
Iba�t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang �Healthy Diet, Gawing Habit for Life� ang aktibong sinalihan hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga nanay at mga sanggol nitong Hulyo 25.

Mga Nanay, bumida sa Jingle and Cooking Contest

Published: August 23, 2018 10:50 AM
Ipinamalas ng mga nanay mula sa 58 day care centers sa lungsod ang kanilang husay sa pagluluto ng iba�t ibang masusustansyang putahe, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na ginanap sa Pag-Asa Sports Complex nitong Martes (July 25).

Insecticide-Treated Net, muling ipinamahagi

Published: August 23, 2018 10:53 AM
Malugod na tinanggap ng mga residente ng Sitio Maasip, Brgy. Tayabo at Batong Lusong, Brgy Villa Floresta ang 100 Long Lasting Insecticide-Treated Net o LLITN na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan sa mga lugar na tinatayang high risk sa panganib na dala ng dengue.

Financial assistance sa LGU scholars, ipinamahagi

Published: August 23, 2018 11:31 AM
Tumanggap na ng financial assistance ang walumpung estudyante na kabilang sa unang batch ng Iskolar ng Bayan para sa 1st Semester ng SY 2017 � 2018 nitong Lunes (July 24) sa City Hall Conference Room.

Pambato ng Lungsod, nag-uwi ng karangalan sa PWD Got Talent

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, nagpakitang gilas ang pitong probinsya ng Region 3 sa katatapos na PWD Got Talent na ginanap sa Marquee Mall, Angeles City, Pampanga noong Biyernes, July 21.

Lungsod ng San Jose, All-Out War sa Dengue

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Bilang suporta at pakikiisa ng lungsod sa all-out war against dengue, patuloy na isinasagawa ng Sanitation Division ng City Health Office ang programang ABKD o Aksyon Barangay Kontra Dengue ng DOH.


39th NDPR Week, umarangkada na

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Pormal na binuksan noong Lunes, July 17, ang unang araw ng selebrasyon ng ika-39 National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang � Karapatan Pribelehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban�, na ginanap sa Pag-asa sports complex, barangay F. E. Marcos.

Abar 1st, tinutukan ng K Outreach Program

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Nitong Hulyo 13-14, nagsimula nang bumaba ang mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalan sa pamamagitan ng K-Outreach Program sa Brgy Abar 1st, kung saan dumagsa ang mga residente particular na ang mga taga-Pabalan.

Mga kawani ng LGU, napagkalooban ng libreng check-up sa mata

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Matapos ang tatlong taon, muling naghandog ng libreng "Eye Check Up & Minor Treatment� ang Vision Medix Eye Clinic para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod nitong Huwebes at Biyernes (July 13-14) na ginanap sa OCM Conference Room.

Galing Mo Show Mo Audition, Dinumog!

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Baon ang kani-kanilang talento, dinagsa ng mga San Josenio ang audition ng kauna-unahang Galing Mo, Show Mo, isang talent search na tampok sa pagdiriwang ng ika-48 City Day Celebration sa August 10.

Waste Bins, Nakatakdang Ipamahagi sa mga Barangay

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Nagsagawa ng inspeksyon sina City Mayor Kokoy Salvador at City Environment & Natural Resources Officer Trina Cruz sa waste transfer station kaugnay ng paglalagay ng malalaking garbage bins sa bawat barangay sa lungsod.

Mga panganib ngayong tag-ulan, pinaghahandaan

Published: August 23, 2018 11:32 AM
Bilang paghahanda sa mga panganib na maaaring idulot ng panahon ng tag-ulan at bagyo, nagsagawa ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) katuwang ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Information Education Campaign Focusing on Rain Induced Landslide and Flooding Geohazard nitong Miyerkules, Hulyo 12.


Oplan Daloy, Tuloy-Tuloy pa rin

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Simula noong nakaraang buwan ay madalas na nga ang pagbuhos ng malakas na ulan, at ang panahon na ito ay sinasabayan naman ng aktibong operasyon ng Oplan Daloy ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng City Engineering Office.


K Outreach Program, idinaos sa Calaocan

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Nitong nakaraang Huwebes at Biyernes (Hunyo 29-30), nagtungo naman sa Brgy. Calaocan ang K Outreach Program dala ang mga libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Madrasah Education Program ng DepEd San Jose, Inilunsad

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Isa na namang patunay na �Nobody Left Behind� sa larangan ng edukasyon ang nasaksihan noong Biyernes (June 30) nang ilunsad ng DepEd Division of San Jose City ang kanilang bagong programang MEP o Madrasah Education Program.

Hiling na Kulambo, Iginawad sa mga Katutubo

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Tuwang-tuwa ang mga katutubong Kankanaey na nasa Sitio Batong-Lusong, Villa Floresta sa hatid na insecticide-treated na kulambo ng City Health Office (CHO) at ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kaninang umaga (June 30).



K Outreach sa Sibut, Dinumog

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Noong Huwebes at Biyernes ng nakaraang linggo, Hunyo 22 at 23, ibinaba sa Barangay Sibut ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach Program. Subalit bago pa man bumaba ang K-Outreach, nauna na nang mamigay ng bigas noong Hunyo 21 ang City Social Welfare & Development Office sa mga volunteers na naglinis sa barangay sa pamamagitan ng Food for Work Program, kung saan ang mga tumutulong sa paglilinis sa pamayaman ay nakakatanggap ng bigas mula sa lokal na pamahalaan.

339 PWD, Tumanggap ng Cash Gift

Published: August 23, 2018 11:33 AM
Tumanggap ng tig-iisang libong cash gift kahapon ng umaga (Hunyo 22) sa City Hall ang 339 na persons with disability (PWD) na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo.

Proyektong Potable Water Supply System sa Kita-kita at Tayabo

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Sa pagpapatuloy ng inspeksyon sa mga infrastructure projects ng lungsod, bumisita kamakailan si Mayor Kokoy Salvador kasama si City Engineering OIC Engr. Carlito Peralta Jr. sa itinayong Potable Water Supply System sa Sampugo, Brgy Kita-Kita at sa Brgy Tayabo.

Tindahan para sa mga kabataang nasa Crisis Intervention Center

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Pinanguhanan ni Mayor Kokoy Salvador ang pagbubukas ng carinderia at sari-sari store na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa ilang �Children in Conflict with the Law� na nasa Crisis Intervention Center ng City Social Welfare Development sa Sto Nino 1st nitong Hunyo 16.

Special Home Study Batch 5, nagtapos

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Pormal nang nagtapos ang 13 special children na kabilang sa ikalimang batch ng Special Home Study na bahagi ng programang Hatid Dunong Part IV ng Panlungsod na Aklatan (City Library). Nagsilbing guro sa Special Home Study ang mga kawani ng City Library, kung saan anim na buwan silang nagturo sa mga bata ng alpabeto, pagguhit at pagsulat.

K Outreach Program sa Brgy. Abar Segundo

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Bilang pagtupad sa kanyang pangakong mauuna ang kapakanan ng mga mamamayan, isa namang barangay na malapit sa bayan ang binisita ng K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan kung saan naghatid ng mga serbisyong publiko sa loob ng dalawang araw.

Milk Supplementation Program sa lungsod, nagsimula na

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Inumpisahan na nitong ika-14 ng Hunyo sa ilang piling elementary school ang araw-araw na supplementary feeding program ng lokal na pamahalaan, katuwang ang City Cooperative Development Office, Philippine Carabao Center at Department of Education.

Tulong pang-magsasaka, ipinamahagi

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Umabot sa 630 kilo ng corn seeds ang natanggap ng 70 kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod nitong June 5 sa Demo Farm, Malasin.

Mga Proyektong Impraestruktura, Binisita

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Nagsasagawa ng ocular inspection si Punong Lungsod Kokoy Salvador ngayong linggo sa mga kasalukuyang proyekto sa iba�t ibang panig ng lungsod.

Public School Principals, pinulong ni Mayor Kokoy

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Pinulong sa unang pagkakataon ni Mayor Mario Kokoy O. Salvador ang lahat ng punong-guro ng pampublikong paaralan ng lungsod kahapon upang makilala ang mga ito at mapag-usapan ang mga nais nilang idulog sa lokal na pamahalaan.

TODA Presidents Meeting

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Upang muling itatag ang damayan ng mga San Jose City Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), tinipon ang mahigit 100 TODA presidents sa lungsod nitong Biyernes, ika-9 ng Hunyo kung saan dumalo ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang magbigay suporta at ihayag ang magiging sistema ng damayan.

Araw ng Kalayaan, ginunita sa lungsod

Published: August 23, 2018 11:34 AM
Nagtipon-tipon kahapon (June 12) ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, DepEd, Philippine Army, PNP, BFP, NGO�s at mga miyembro ng organisasyong Free Masonry at Amaranth upang sama-samang ipagdiwang ang ika-119 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang �Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin.�


Mga Poste ng Kuryente at mga Kable sa Highway, Inayos

Published: August 23, 2018 11:35 AM
Kapansin-pansin ang mga poste ng kuryenteng pintado ng safety marks sa Maharlika Highway mula Sto. Tomas hanggang bayan, at ang mga kable ng telepono at cable TV na maayos na ibinalumbon.


K Outreach sa Villa Floresta, Kakaiba!

Published: August 23, 2018 11:35 AM
Naging kakaiba ang saya na Inihatid ng K Outreach Program sa Villa Floresta noong Huwebes at Biyernes, Hunyo 1 at 2, dahil bukod sa mga regular na serbisyong ibinaba ng lokal na pamahalaan sa K Outreach, naging tampok ang sayaw ng mga katutubong taga-rito na sinabayan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng bagong punong guro ng kanilang paaralan.


SHAKEY�S, Nasa San Jose Na!

Published: August 23, 2018 11:39 AM
Bilang pagtangkilik at pagsuporta sa mga negosyong nagbubukas sa lungsod, isa na namang establisimyento ang pinasinayaan ni Mayor Kokoy Salvador sa pamamagitan ng Ribbon Cutting kaninang umaga, Hunyo 1, 2017.