Halloween Costume Fun Ride 2017
Published: November 03, 2017 06:13 PM
Bumida sa Halloween Costume Fun Ride ang SJC Mountain Bikers kasama ang ilan pang San Josenians na umikot sa lungsod, suot ang kanilang nakakatakot at mala-fairy tale na costume nitong Martes, Oktubre 31.
Pumatok sa paningin ng mga hurado ang mala-disney characters na kasuotan ng grupong Disney sa Group Category, samantala 1st runner-up naman ang grupong Batch 84 at 2nd runner-up ang Tristan Rey Ramos group.
Nanguna naman sa Individual Category ang nakakatakot na costume ni KP Olar, pumangalawa si Cezar Reyes at pangatlo si Jon Jon Portacio.
Hindi rin nagpahuli ang mga chikiting sa Kids Category kung saan nag-champion ang costume ni Mar Gabriel, 2nd place naman si Nathan Gatchalian at 3rd place si Nacia Dizon.
Dumalo sa aktibidad si Punong Lungsod Kokoy Salvador na nagbigay ng mensahe at para ipakita ang pagsuporta sa naturang programa, kasama sina Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang, Konsehal Atty. Ronald Lee Hortezuela at Chief of Police Marco Dadez.
Maliban sa layunin ng programa na mag-enjoy ang mga San Josenians, layunin din nito na maipaalam sa mga tao na sa pamamagitan ng pagbi-bisikleta, maaring maging malusog ang pangangatawan at makatutulong din para makaiwas sa mga non-communicable diseases gaya ng diabetes, cancer, at iba pa.
Bukod sa fun ride, nagkaroon din ng raffle draw kung saan ang mga nanalo dito ay nabigyan ng bike parts and accessories at ang nabunot para sa grand prize ay nakatanggap naman ng mountain bike mula pa rin sa Lokal na Pamahalaan.