2nd Mayor�s Cup Basketball Tournament, nagsimula na
Published: November 27, 2017 03:57 PM
Bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa larangan ng sports, pormal nang binuksan ang 2nd Mayor Kokoy Salvador Inter-Commercial Basketball League 2017 nitong Nobyembre 24 na ginanap sa Pag-asa Sports Complex, F.E. Marcos, San Jose City.
Magtatagisan at mag-aagawan sa tropeo ang walong koponan na binubuo ng Quezon NE, Petron-Elmax, Kambal Pandesal, Roper Hardware, FC Martinez CLSU, Baba’s Rice Mill, Gen. Natividad, at Team Ignacio.
Pinatumba ng Roper Hardware sa opening game ang Baba’s Rice Mill Team sa iskor na 96-77, at wagi naman ang Team Ignacio na nakapagtala ng 90 puntos kontra Petron-Elmax na umiskor ng 78 puntos sa second game.
Samantala, sa unang laro noong Sabado (Nobyembre 25), tinambakan ang Gen. Natividad ng koponan ng Kambal Pandesal kasama si PBA Player Samboy de Leon sa iskor na 108-55, at tinalo naman ng Quezon NE ang FC Martinez CLSU 84-69 sa ikalawang laro.
Muling sasabak ngayong araw ang Quezon NE at makakaharap ang Team Ignacio para sa 1st game, na susundan ng Roper Hardware kontra Petron-Elmax.
Inaabangan naman ang pagdating ng dalawa pang import na sina JR Alabanza na maglalaro para sa Petron-Elmax at Alvin Pasaol para sa Kambal Pandesal.
Inaasahan ang pagtangkilik ng mga mamamayan ng San Jose sa naturang palaro mula Lunes hanggang Sabado, simula 6:30 ng hapon.