Huling Elimination Round ng Chorale Competition, Nasaksihan
Published: December 12, 2017 10:56 AM
Sa pagpapatuloy ng Chorale Competition, muling nagpamalas ng husay sa pag-awit ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa naganap na 4th Elimination Round nitong December 7.
Lumutang ang mala-anghel na boses ng mga kalahok mula sa Sto. Niño High School at Sto. Tomas Elementary School kung kaya’t naakit ang mga hurado at sila ang napili upang makapasok sa Final Round.
Bilang suporta, binati naman ni Punong lungsod Kokoy Salvador ang mga mag-aaral at sinabing mag-enjoy lamang sa kompetisyon.
Kaugnay nito, panalo naman ang MCMC sa wild card edition kaya’t pasok na rin sila sa Grand Finals na gaganapin sa December 15 sa City Social Circle.