Blue Team, dineklarang over-all champion sa LGU Sports Fest
Published: October 24, 2017 01:15 PM
Pagod at abala man sa kani-kanilang trabaho, naisingit din ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang taunang LGU Sportsfest sa kanilang kalendaryo at nito ngang Biyernes, Oktubre 13, ay ginanap ang Championship & Awarding Ceremony. Ang Sports Fest ay idinadaos para na rin mapatibay ang kanilang samahan tungo sa mas maganda at maayos na serbisyo sa bayan.
Tinanghal na Over-all Champion ang Blue Team na kinabibilangan ng Treasurer’s Office, Public Market, CHO, CENRO, LDRRMO at Housing matapos ang matinding labanan ng limang koponan.
First Runner-up naman ang Yellow Team na binubuo ng Office of the City Mayor, OCM-Special Projects, Administrator’s Office, Community Affairs Office, Business Permit & Licensing Office, Legal Office, City Library, Slaughter House, Nutrition Office, City Vet., PIO at DILG.
Hindi rin nagpahuli ang Green Team na nakakuha ng 2nd runner-up kung saan kabilang dito ang City Agriculture Office, Traffic Management Council, Terminal, City Tourism, Population Office, Assessor’s Office, COA, PESO at CSWDO.
Nagpagalingan naman sa talent at Question and Answer portion ang naggagandahan at naggagwapuhang Muse and Escort ng bawat koponan.
Tinanghal ang parehong pambato ng Yellow Team na sina Roxane Salvador at Mark Balatucan na Mr. and Ms. LGU Sportsfest 2017.
Ginanap ang Championship at Awarding Ceremony sa Pag-asa Sports Complex sa pangunguna ng Sports Development Office.
(Jennylyn N. Cornel)