Mayor Kokoy Salvador, Pinasalamatan ng Department of Agriculture
Published: November 06, 2017 05:21 PM
Binigyang pasalamat ng Department of Agriculture Regional Office III si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa ginanap na Good Agricultural Practices (GAP) Forum and Awarding of Certificates nitong Nobyembre 3 sa San Fernando City, Pampanga.
Iginawad ni Department of Agriculture Regional Director Roy Abaya ang nasabing pagkilala bilang pagpapasalamat para sa aktibong partisipasyon at suporta ni Mayor Kokoy sa mga programang may kaugnayan sa agrikultura ng lungsod.
Kabilang sa mga good agricultural practices ng lungsod ay ang farming method with environmental care, farmers’ welfare, food safety and quality, at ang market product quality; gayundin ang pagkakaroon ng maraming magsasaka mula sa San Jose na GAP accredited.
Sa kasalukuyan, 59 onion farmers na pawang mga miyembro ng Kaliwanagan-San Agustin (KALASAG) Farmers Producers Cooperative ang GAP accredited.
Inaasahan ding madadagdagan pa ng 25 onion/rice farmers ang mabibigyan ng akreditasyon nitong buwan ng Disyembre hanggang Enero.
Samantala bilang pasasalamat, naghandog rin si Mayor ng produktong San Jose: isang wood figurine na kalabaw na sumisimbolo sa lungsod bilang isang bayang pinagyayaman ng agrikultura.
Nagpapasalamat naman si City Agriculture Officer Violeta Vargas at umaasang sana ay magpatuloy ang suporta ni Mayor sa mga gawain ng mga magsasakang San Josenio.
(Rozz Agoyaoy-Rubio)