Dairy farmers ng lungsod, pinarangalan sa Carabao Conference
Published: November 29, 2017 10:47 AM
Nag-uwi ng karangalan ang mga natatanging dairy farmer (magsasakang maggagatas) ng San Jose City sa ginanap na 3rd National Carabao Conference sa Philippine Carabao Center (PCC), Science City of Muñoz nitong Nobyembre 27.
Kabilang sa kinilala sina Samuel Mercader ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative bilang “Outstanding Dairy Buffalo Farmer (Semi-Commercial Category)” at Emily Velasco ng Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative bilang “Modelong Juana sa Kalabawan”.
Ginawaran din sa muling pagkakataon bilang Best Dairy Cooperative ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative, na sa kasalukuyan ay isa sa mga kooperatibang may pinakamaraming aning gatas na naibebenta.
Bukod sa pagbibigay pugay at pagkilala sa mga natatanging magsasaka na kabalikat ng PCC sa programa ng pagkakalabawan, nagsilbing daan ang komperensya sa pagpapadaloy ng impormasyon upang maibahagi at maipalaganap ang mga teknolohiya at mga wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng kalabaw.
Uminog sa temang “KalabaJuan, Pagpupugay sa Magsasaka at Kalabaw” ang ikatlong National Carabao Conference na idinaos hanggang Nobyembre 28.