Tree planting na bahagi ng Cash for Work Program, isinagawa
Published: November 17, 2017 04:39 PM
Bilang suporta sa mga programang pangkalikasan ng Lokal na Pamahalaan, nagsagawa si Mayor Kokoy Salvador ng isang Tree Planting Activity kung saan nakapagtanim ng 300 na puno sa Zone 7, Sitio Banaba, Brgy. Sto. Niņo 3rd kaninang umaga (Nov 17).
Bahagi ito ng Cash for Work Program ng CSWD, kung saan nagsagawa muna ng clean-up drive kahapon (Nov 16) upang linisin at iayos ang lugar na pagtataniman.
Itinanim sa nasabing aktibidad ang 200 na bungangkahoy at 100 kawayan ng grupong SaMaKaNaMaRe (Samahan ng Malayang Kababaihan Nagkakaisa para sa Mamamayan at Reporma) at sinuportahan naman ng iba pang residente mula sa Brgy. Sto. Niņo 1st, 2nd at 3rd.
(Photos by City Social Welfare and Development Office (CSWDO) San Jose)