Mga Environment-Friendly Parol, Bumida sa Parada
Published: November 16, 2017 05:51 PM
Naggagandahan at naglalakihang mga parol ang itinampok sa Lantern Parade kagabi na gawa ng mga estudyante at mga guro mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod gamit ang recycled materials.
Ang malikhaing parol na gawa ng San Jose City National High School ang nanguna at nagningning sa paningin ng mga hurado at nakatanggap ng Php 10,000.00, samantalang 2nd place naman ang Systems Technology Institute (STI) na nakapag-uwi ng Php 7,000.00, habang 3rd place ang Tayabo High School na nakatanggap ng Php 5,000.00.
Dalawang libong pisong consolation prize ang tinanggap ng mga iba pang kalahok: Gracious Shepherd Academy, Porais National High School, Mount Carmel Montessori Center, St. John Academy, Nieves Center for Education, Inc, Sto. Nino 3rd National High School, Kita-Kita High School, Caanawan High School, Tondod High School, CRT, SJC Colleges at IES.
Nakiisa sa programa ang butihing Punong Lungsod Kokoy Salvador para makisaya at magpakita ng suporta sa Lantern Parade, na isa sa mga aktibidad ngayong Pasko sa San Jose na kanyang isinulong. Aniya, bilib sya sa pagiging malikhain ng mga San Josenians dahil nakagawa sila ng naggagandahang mga parol gamit ang mga bagay na akala ng marami ay hindi na mapapakinabangan pa. Maging si Congw. Mikki S. Violago ay labis na humanga sa galing ng mga gumawa ng iba’t ibang parol.
Bukod sa mga papremyo na handog ng Lokal na Pamahalaan, personal ding dinagdagan ni Mayor Kokoy at Congw. Mikki ang papremyo para sa mga nanalo at mga kalahok.
Nagsimula ang parada sa Shell Malasin patungong Public Market kung saan nagkaroon din ng maikling programa.
Sa ngayon ay makikita ang mga parol na naka-display sa Pag-Asa Sports Complex.
(Jennylyn N. Cornel)