Mga alituntunin sa pamamasada, tinalakay sa TODA Meeting
Published: October 10, 2017 04:54 PM
Pinulong ang mga Presidente ng TODA sa lungsod kahapon, Oktubre 9 para talakayin ang mga patakaran sa wastong pamamasada at mga batas sa kalsada na dapat sundin ng mga tricycle driver.
Dumalo sa pagpupulong si City Administrator Alexander Glen Bautista bilang kinatawan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador para magpakita ng suporta sa samahan at maisaayos ang mga batas sa kalsada para sa kaligtasan ng mga San Josenio.
Tinalakay ni LTO San Jose City District Head Susan Gabriel ang mga patakaran para sa ligtas na pamamasada at nagbigay ng paalala sa mga wala pang lisensya at prangkisa na kumuha na dahil huhulihin ang mga ito at papatawan ng karampatang parusa.
Naanyayahan din sa pagpupulong si Col. Peter C. Torres ng Traffic Management Council para talakayin ang iba’t ibang batas trapiko gaya ng traffic signs, mga dapat ugaliin ng mga driver, wastong kasuotan, at iba pa.
Sa pahayag ni San Jose City Chief of Police Marco Dadez, sinabi niyang disiplina ang kailangan para mapanatili ang kaayusan. Nagbigay rin siya ng tips para makaiwas sa motornapping at iba pang may kaugnayan dito.
Samantala, nagkaroon din naman ng pagkakataon ang nga TODA na ipahayag ang kanilang opinyon, mungkahi, at mga katanungan sa isinagawang open forum dito.
Kasama rin sa pagpupulong sina Konsehal Roy Andres, William Tomas ng Public Order and Safety Office at Engr. Vimar Ila ng Franchising and Regulatory Office.
(Jennylyn N. Cornel)