Documentary Film ng Kalasag, Inilunsad
Published: November 15, 2017 05:25 PM
Nagtipon ang mga miyembro ng KALASAG Farmers Producers Cooperative at mga kawani ng City Cooperative Development Office para saksihan ang paglulunsad ng documentary film ng kooperatiba noong nakaraang Miyerkules, November 8 na mula sa produksiyon ng Jollibee Group Foundation.
Pinamagatang “Sa Ilalim ng Kalasag”, ang nasabing documentary film ay nagpapakita ng simpleng pamumuhay ng mga miyembro ng kooperatiba, at kung papaano sila nagsimula at lumago sa loob ng 10 taon.
Ginawa ang pelkulang ito ng Jollibee Group Foundation para gawing halimbawa at maging inspirasyon ng iba pang mga magsasaka sa Pilipinas upang makatulong sa kanilang pag-unlad.
Isa namang karangalan para sa mga miyembro ng KALASAG ang maitampok sa isang documentary film na ipapalabas sa mga project sites ng Jollibee Group Foundation.
Dumalo sa launching si Punong Lungsod Kokoy Salvador na isa rin sa nanguna sa ribbon cutting para magpakita ng suporta at magbigay ng mensahe. Aniya, proud sya sa tagumpay na nakamit ng KALASAG at nangakong patuloy na susuportahan ang kooperatiba.
Nitong Lunes at Martes, Nobyembre 13-14 ay nagsagawa naman ang Jollibee Group Foundation katuwang ang KALASAG ng Farmers Entrepreneurship Program na may temang “FEP Agri Yo!” para naman sa mga kabataan, na dinaluhan ng mga taga-San Agustin, Kaliwanagan at Villa Marina.
Nagkaroon dito ng mga laro at pagsasanay na naglalayong mapalawak ang pananaw ng mga kabataan tungkol sa pagsasaka at maipakita sa kanila ang kagandahan at kahalagahan ng agrikultura.
(Jennylyn N. Cornel)