News »


K Building, handa na para sa mga mag-aaral ng Caanawan

Published: November 23, 2017 03:41 PM



Hindi maitatanggi ang suporta ni Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga programang pang-karunungan o pang-edukasyon.

Sa katunayan, pinasinayaan kahapon (Nobyembre 22) ang dalawang palapag na gusali na may anim na silid-aralan sa Caanawan Elementary School.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang ribbon-cutting kasama si DepEd School Governance and Operations Division Chief Romeo Vicmudo.

Binasbasan din ni Senior Parochial Vicar Rev. Fr. Edwin I. Bravo ang nasabing gusali kasabay ng turn-over ceremony kung saan ipinasa ng kinatawan ng City Engineering Office ang mga susi ng bagong classroom.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi niyang ang letrang K sa tinagurian niyang “K Building” ay sumisimbolo sa karunungan, kaalaman at kaunlaran dahil dito nakasalalay ang ikauunlad ng mga kabataan.

Ayon pa sa Punong Lungsod, “lahat ng karapatan ng mamamayan ng lungsod ng San Jose, sa abot ng ating kakayahan ay atin pong ibibigay”.
(Rozzalyn A. Rubio)