The First San Jose City Year-End Countdown
Published: January 03, 2018 04:30 PM
Naging makulay at masaya ang pagsalubong ng Lungsod ng San Jose sa taong 2018.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Year-End Countdown & Pyromusical Show na ginanap sa SJC Crossing.
Matapos ang misa sa St. Joseph Cathedral noong gabi ng Disyembre 31, agad na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng nakakaaliw na mga kantyawan at biruan ng mga hosts sa pangunguna ng sikat na komedyanteng si Boobsie.
Nagpamalas din ng husay sa pagsayaw ang grupong Console.
Nagbigay ng mensahe ang kinatawan ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija, Congw. Mikki Violago, na nagsabing sana sa taong 2018 ay lalong maging maayos, masaya at maunlad ang Lungsod ng San Jose.
Kapwa personal na nagbigay ng suportang pinansiyal sina Congw. Mikki Violago at Mayor Kokoy Salvador sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng lungsod para sa naturang programa.
Maging si Mayor Kokoy ay masayang nakipagbiruan sa mga hosts bago niya sinimulan ang countdown. Ipinangako ng Punong Lungsod ang tuloy-tuloy na pagpapaganda at pagsasaayos sa San Jose City at gayundin ang mas maayos at mabilis na serbisyo.
Eksaktong alas-dose ng hatinggabi, sa pagpasok ng Bagong Taon, kakaibang liwanag at kulay ang bumalot sa himpapawid ng lungsod sa pamamagitan ng engrandeng fireworks display.
Datapwa’t ito ang unang countdown na ginawa sa lungsod, napuno rin ng mga San Josenians na nakisaya sa pagsalubong sa Bagong Taon kasama ang kani-kanilang pamilya at kaibigan ang Crossing.
Marami sa mga dumalo ng countdown ang anila ay nakaramdam ng “goosebumps” sa kanilang naranasang ito.