Special Home Study Program Batch 6, nagtapos
Published: November 24, 2017 02:23 PM
Masayang nagtapos ang 19 na Persons with Disability (PWD) na kabilang sa ika-anim na batch ng programang Hatid Dunong Part IV: Special Home Study Program ng Panlungsod na Aklatan (City Library).
Tumagal ng anim na buwan ang nasabing programa na nagsimula noong Hunyo at idinaos kahapon (Nobyembre 23) ang kanilang graduation ceremony.
Sa pamamagitan ng Special Home Study Program, naturuan ang mga bata kung paano bumasa, bumilang, at sumulat. Itinuro din sa mga bata ang Edukasyong Pagpapahalaga (Values Education).
Nakatanggap ng sertipiko, educational materials at grocery ang mga nagsipagtapos na handog sa kanila ng Lokal na Pamahalaan.
Sa mensahe ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, malapit sa kanyang puso ang mga PWD at sila’y talagang espesyal para sa kanya kaya patuloy niyang sinusuportahan ang mga programang nakalaan sa kanila para ipakita at iparamdam ang pagkalinga ng Lokal na Pamahalaan.
Ayon naman kay City Librarian Helen Ercilla, ang Lungsod ng San Jose lamang ang may Hatid Dunong Program sa buong bansa kaya aniya, patuloy itong ipapalaganap ng Lokal na Pamahalaan sa lungsod upang mas marami pang matulungan at makinabang nito.
(Jennylyn N. Cornel)