40% salary para sa SPES Batch 2, naibigay na
Published: October 26, 2017 04:24 PM
Natanggap na ng pangalawang batch ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang 40% ng kanilang suweldo na kanilang pinagtrabahuan nitong summer vacation.
Pinangunahan nina DOLE Labor Employment Officer Rosario Campos at City Administrator Alexander Glen Bautista bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama si Supervising Labor Employment Officer Zenaida Barangan ng Public Employment Service Office (PESO) ang paggawad ng tseke sa 52 kabataan.
Ang Special Program for the Employment of Students (SPES) ay isang programa ng DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan para sa mga kabataan upang mabigyan sila ng pagkakakitaan habang bakasyon na makatutulong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Matatandaang natanggap na rin ng unang batch ang 40 % ng kanilang suweldo noong Setyembre 15.
Ginanap ang naturang paggawad sa City Hall kahapon, Oktubre 26.
(Jennylyn N. Cornel)