Indigenous Peoples Month, ipinagdiwang sa lungsod
Published: October 23, 2017 04:58 PM
Bilang pagkilala sa mga kapatid nating katutubo at sa kanilang kultura, noong Sabado, Oktubre 21 ay ipinagdiwang ang Indigenous People’s Month sa lungsod.
Tampok sa selebrasyon ang Cultural Presentation Contest kung saan nanalo ang katutubong sayaw ng mga kinatawan ng Kalinga, Batong Lusong at Bontoc tribe.
Isinagawa rin dito ang Induction of Officers ng BIBBAKK o Bontoc, Ifugao, Benguet, Bag-o, Apayao, Kalinga & Kalanguya San Jose City Chapter na pinangunahan ni Indigenous Ambassador to the United Nations, Princess Sunshine Amirah R. Magdanga, PhD.
Nagsilbing panauhing tagapagsalita naman sa nasabing pagdiriwang si Mayor Kokoy Salvador na nagbigay ng mensahe at pinangako ang patuloy na pag-alalay at pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga kapatid nating katutubo at sa kanilang kultura.
Nagbigay rin ng inspirational message si Director General of Transnational-Anti Organized Crime, Galma Arcilla.
Ipinaliwanag naman ni National Commission on Indigenous People, Provincial Legal Officer Atty. Kristine Antolin ang IPRA Law o ang Indigenous People's Rights Act of 1997 para talakayin ang mga karapatan ng mga kapatid nating katutubo.
Nagbahagi rin ang mga kabataan at mga magulang ng katutubong awit at sayaw na may pamagat na “Salidumay”.
Dumalo rin sa selebrasyon sina ang mga konsehal na sina Patrixie Salvador, Atty. Ronald Lee Hortezuela at Victoria Adawag; Police Provincial Director Eliseo Tanding; at San Jose City Chief of Police Marco Dadez.
(Jennylyn N. Cornel)