News »


High School Students, Bumida sa 2017 Division Pop Quiz

Published: October 20, 2017 12:45 PM



Nagtagisan ng galing at talento ang mga high school students mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa ginanap na 2017 Division Population Quiz o Pop Quiz nitong Oktubre 18 sa Sto. Niño 3rd High School.

Maliban sa Pop Quiz, nagkaroon din ng On-the-Spot Skills Exhibition para sa Essay Writing, Poster Making, at Jingle Writing and Singing na pawang nakahango sa tema ngayong taon na ‘Family Planning: Empowering People, Developing Nations’.

Tinanghal bilang Pop Quiz Champion ang kinatawan ng Kita-Kita High School na si Katherine Ramos, habang ang pambato naman ng Core Gateway Colleges Inc. na si Ryko Athene Babasoro ang nanguna sa Essay Writing.

Samantala, ang obra ni Ric Riden Rolle ng Kita-Kita High School ang nagwagi para sa poster making contest, at nangibabaw naman ang pagsulat at pagkanta ng jingle ni Jarrel Tamina ng Caanawan High School.

Tumanggap ng trophy at cash prize ang mga nagsipagwagi, na magiging kinatawan ng Dibisyon ng San Jose sa Regional Population Quiz and On-The-Spot-Contests.

Naging katuwang ng Schools Division Office ang City Population Office sa naturang aktibidad, na naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan, malinang ang kanilang talento at itaas ang kanilang kamalayan sa mga isyung may kaugnayan sa family planning.

Ang tuloy-tuloy na mga programa para sa mga kabataan ay maigting na sinusuportahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na dumalo rin at nagbigay ng maikling pananalita sa programa.

Ang mga sumusunod na delegado ang nakasungkit ng iba pang mga pwesto:

POP QUIZ
1st Runner-up – Angela Espiritu (San Jose City National High School)
2nd Runner-up – Anne Dominique Sambile (Core Gateway Colleges Inc.)

ESSAY WRITING
1st Runner-up – Alessandria Paula Santos (Elim School for Values and Excellence)
2nd Runner-up –Rajzlra Campo (St. John’s Academy)

POSTER MAKING
1st Runner-up –Rd Bandola (Core Gateway Colleges Inc.)
2nd Runner-up – Joana Maxinne Tablizo (Elim School for Values and Excellence)

JINGLE WRITING AND SINGING
1st Runner-up - Francis Roi Fernando (St. John’s Academy)
2nd Runner-up – Angelique Faith Molina (Elim School for Values and Excellence)