Lungsod ng San Jose, muling nagsagawa ng fire & earthquake drill
Published: June 29, 2017 03:36 PM
Pansamantalang nahinto ang trabaho ng mga empleyado ng City Hall upang makiisa sa National Earthquake Drill bilang paghahanda kung sakaling yayanigin ng 7.2-magnitude earthquake ang bansa.
Eksakto alas 10:00 kaninang umaga, tumunog ang sirena na hudyat ng pagsisimula ng drill.
Ini-akto ng mga empleyado ang “duck, cover and hold”, na siyang tamang kilos at posisyon na dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon, habang maagap na naglalabasan mula sa kani-kanilang opisina.
Isa-isa ding iniligtas ng rescue teams sa pangunguna ng MAKISIG Rescue 3121 ang mga nagsilbing sugatan at na-trap na biktima sa kunwari’y gumuhong gusali. Naging katuwang din ang PNP San Jose, 84IB 7ID ng AFP, at Bureau of Fire Protection sa pag-responde.
Maagap na nakaantabay naman ang CHO medical team upang magbigay ng first aide sa mga kunwaring nasaktan na empleyado.
Ang National Earthquake Drill ay isinasagawa upang maging handa ang publiko sa maaaring pagtama ng “The Big One”, o ang pinangangambahang paggalaw ng sinasabing hinog na West Valley Fault.