News »


Mga Batang Filmmaker, kinilala sa PopCom Film Fest

Published: November 28, 2017 10:16 AM



Lumabas ang pagiging malikhain sa paggawa ng pelikula ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Region III sa ginanap na PopCom 2017 Regional Adolescent Health and Development Film Festival.
Sampung (10) paaralan ang lumahok sa nasabing patimpalak kabilang ang Caanawan High School na kumatawan sa San Jose City.
Tumanggap ng parangal ang kanilang obrang pinamagatang “Klik” at ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• 1st runner-up Best Actor: Mhelvin Layno
• 2nd runner-up Best Movie Trailer
• 2nd runner-up Best Production Design
• 2nd runner-up Best Screenplay
• 2nd runner-up Best Poster
Kasamang binigyan ng pagkilala ang kanilang mga coach na sina Christine Joy Fernandez at Jessica Abratigue.
Idinaos ang awarding ceremony noong Nobyembre 23 sa SACOP Ephata Development Center, City of San Fernando, Pampanga.
Dumalo rin sa nasabing programa ang ilang kinatawan ng City Population Office.
(Michael Collado)