News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija




SAGIP 3121 - Bagyong Karen

Published: August 23, 2018 01:46 PM
Maagap na nagtulong-tulong ang iba't ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador sa rescue at relief operations na ginawa nitong araw, Oktubre 16, habang nararamdaman ang pinsalang dulot ng bagyong Karen sa iba't ibang lugar dito sa lungsod.

LGU Sportsfest Championship and Awarding Ceremony

Published: August 23, 2018 01:46 PM
Kasabay ng championship at awarding ceremony ng LGU Sportsfest 2016 nitong nakaraang Biyernes (Oktubre 7), nagpagalingan sa pagsayaw at pagkanta ang mga pambato mula sa gray, blue, green, red, at yellow team na hinati mula sa apatnapu�t anim na opisina ng Lokal na Pamahalaan.

First 100 Days of Bagong San Jose

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Ibinida ni Punong Lungsod Mario �Kokoy� Salvador ang mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan na naisakatuparan sa loob ng first 100 days ng kanyang administrasyon nitong Lunes (Oktubre 10) kasunod ng Flag Raising Ceremony sa City Social Circle.

Awarding of Winners of Balik-Matipunong Katawan at Alindog

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Pinarangalan na ang mga nagsipagwagi sa anim na buwang programa ng Balik Matipunong Katawan at Alindog na handog ng lokal na pamahalaan bilang paghimok sa mga San Josenian na magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Awarding of Certificate of Full Scholarship | 7 October 2016

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Personal na iginawad ni City Mayor Mario �Kokoy� Salvador ang certificate of full scholarship sa mga kabataang benepisyaryo ng Abot Alam Program ng Department of Education at ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes, (October 7).

Distribution of Hybrid Seeds | 7 October 2016

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Inumpisahan na ng City Agriculture Office ang distribusyon ng tatlong libo at limangdaang sako (3,500) ng subsidized hybrid seeds para sa mga magsasaka sa lungsod na nitong araw (October 6) sa Demo Farm, Malasin.

K Outreach Program sa Brgy. San Agustin

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Nabigyan naman ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Brgy. San Agustin matapos dumayo rito ang K Outreach Program noong Oktubre 4-5.

Elderly Week Celebration

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Nagpaligsahan sa pagsayaw at pagrampa ang mga lolo at lola sa lungsod sa isinagawang Elderly Week Celebration ngayong araw (Oktubre 5) na may temang �Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda�.

"ALL FOR HEALTH TOWARDS HEALTH FOR ALL" (BHW Meeting)

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Bilang bahagi ng adbokasiya ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador na mabigyan ng magandang serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan ng San Jose, pinulong ng mga kawani ng City Health Office (CHO) ang mga Barangay Health Worker (BHW) ng lungsod ngayong araw (Oktubre 4).


Inspection of New Laboratory Equipment | 29 September 2016

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Personal na bumisita ang butihing Punong Lungsod Mario �Kokoy� Salvador sa City Health Office, upang inspeksyunin ang mga bagong laboratory equipment dito gaya ng microscope at iba pang kagamitang pangkalusugan nitong nakaraang Huwebes (Setyembre 30).

Kaalaman sa Batas Trapiko, Ibinahagi sa mga Enforcers

Published: August 23, 2018 01:47 PM
Setyembre 28 - Alinsunod sa adbokasiya ni City Mayor Mario �Kokoy� Salvador na �Lahat ng Mamamayan ay may K�, sumailalim sa isang Traffic Management Seminar ang mga bagong traffic enforcers ng lungsod upang mabigyan ng kaalaman sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga lansangan at para sa �kaayusan� ng Bagong San Jose.

Programa para sa mga Drug Surrenderees, Nagpapatuloy

Published: August 23, 2018 01:48 PM
Para sa ganap na pagbabagong buhay ng mga sumukong illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga, tinipon ang mga surrenderees kahapon sa Mini-Pag-asa Gym sa CHO bilang bahagi pa rin ng programang Oplan Tokhang ng PNP.




Pingpong Olympian at National Players, Dumayo sa Lungsod

Published: August 23, 2018 01:48 PM
Binisita ng Kauna-unahang Table Tennis Olympian na si IAN �Yanyan� Lariba at ng Junior National Players (Philippine Team) ang San Jose City kahapon, ika 25 ng Setyembre, 2016 upang makalaro at mabigyang inspirasyon ang mga manlalaro ng �pingpong� na nagmula pa sa ibat-ibang dako ng Nueva Ecija at Pangasinan.


Orientation on Integrated Community Food Program (ICP)

Published: August 23, 2018 01:48 PM
Sumalang sa oryentasyon ang 300 benepisyaryo ng Integrated Community Food Production (ICFP) kung saan tumaggap ang mga ito ng garden tools, planting materials at tig-isang kambing nitong ika-22 ng Setyembre.

Kabataang San Josenio sa Youth Camp 2016

Published: August 23, 2018 01:48 PM
Labing pitong paaralan ang nakiisa sa isinasagawang youth camp na nagsimula nitong Setyembre 22 kung saan ilan sa mga itinuro dito ay tungkol sa gawaing ispirituwal, pang-makabayan at pagkakawang-gawa.


Free Zumba at PAG-ASA Sports Complex

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Para maging physically fit at healthy ang mga San Josenians, nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng zumba para sa ating lahat.

Mayor Kokoy, humarap sa mga taga-Brgy. Bagong Sikat

Published: August 23, 2018 01:48 PM
Muling naghatid ng iba't ibang serbisyo ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador sa mga taga-Brgy. Bagong Sikat sa ginanap na ika-apat na K Outreach program ng kanyang administrasyon.




Simultaneous Clean-up Drive | 17 September 2016

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Nagtulong-tulong ang mga San Josenians sa paglilinis sa 38 barangay sa lungsod nitong nakaraang Sabado (Setyembre 17), bilang bahagi ng National Clean-up Day na may temang �Bayan Ko, Linis Ko�.

Awarding of Plaque of Recognition to LCR San Jose

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Nasungkit ng lungsod ang ika-anim na pwesto bilang Outstanding Local Civil Registrar Office of 2014 na iginawad ng Philippine Statistics Authority sa ginanap na 8th National Workshop on Civil Registration sa Iloilo Covention Center, Iloilo City nitong ika-23 ng Agosto.





Liga ng mga Barangay Meeting | 13 Sept. 2016

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Para sa maigting na kampanya kontra droga ng PNP at kontra dengue ng DOH, pinulong ang mga Kapitan ng bawat barangay sa lungsod upang magtulong-tulong para masolusyunan ang mga ito.

Oath-taking- SJC HOFA Inc. | 7 Sept. 2016

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Nanumpa na ang mga miyembro ng San Jose City Harvester Owner & Famers Association Incorporated o SJC HOFA Incorporated nitong Miyerkules (September 7).

K Outreach Program (Day 1) Villa Joson | 13 Sept. 2016

Published: August 23, 2018 01:50 PM
Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga Brgy. Villa Joson sa ginanap na �K Outreach Program� na pinangunahan ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador sa kanilang lugar kaninang umaga (Sept. 13, 2016).



Gift Giving for PWDs of Tulat | 8 September 2016

Published: August 23, 2018 01:50 PM
Masayang tinanggap kahapon ng mga Persons with Disability (PWD) ng Barangay Tulat ang mga groceries at wheelchair na handog sa kanila ng lokal na pamahalaan.



Clean-up Drive Kontra Dengue | 7 September 2016

Published: August 23, 2018 01:50 PM
Kaugnay sa napaulat na dengue hotspot ang lungsod ng San Jose at dalawa na ang naitalang nasawi sa sakit na ito, mas pinaigting ng City Health Office ang clean-up drive kontra dengue.


Opening of BAHAY PAG-ASA | 6 September 2016

Published: August 23, 2018 01:50 PM
Bilang bahagi ng programang Oplan Tokhang ng PNP para sa mga sumuko at nagpositibo na illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga, tinipon ang mga surrenderees nitong Martes para ibalita sa kanila ang mga programang handog ng lokal na pamahalaan na makatutulong sa kanilang ganap na pagbabagong buhay.


LGU Sportsfest 2016 (Opening) | 5 Sept. 2016

Published: August 23, 2018 01:51 PM
Opisyal nang sinimulan ang taunang selebrasyon ng LGU Sports Fest nitong ika-lima ng Setyembre kung saan tampok ang mga empleyado mula sa iba�t ibang departmento ng pamahalaang lokal.

Oplan: Bagong San Jose

Published: August 23, 2018 01:51 PM
Inumpisahan na ang pagsasaayos at pagpapaganda sa paligid ng Maharlika Highway nitong ika-31 ng Agosto, sang-ayon na rin sa adbokasiya at kampanya ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador na Oplan: Bagong San Jose.

Awarding of Artificial Legs | 31 August 2016

Published: August 23, 2018 01:51 PM
Naipamahagi na kahapon (Agosto 31) sa 18 PWD (persons with disability) ang mga libreng braces at prosthetic legs o artipisyal na paa na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Poultry & Piggery Owners Meeting | 30 August 2016

Published: August 23, 2018 01:51 PM
Pinulong ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga may-ari ng poultry at piggery sa lungsod noong ika-30 ng Agosto sa munisipyo para talakayin ang isyu tungkol sa langaw.


Repainting of Old Building along Maharlika Highway

Published: August 23, 2018 01:49 PM
Sang-ayon sa adbokasiya ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador na Bagong San Jose, sinimulan ang pagpipintura sa ilang gusali sa Maharlika Highway nitong ika-23 Agosto para maging mas kaaya-aya ang mga ito.