News »


Mga kabataang PWD, nagtapos sa Hatid Dunong Program

Published: December 15, 2016 05:04 PM



Labing apat na Persons with Disability (PWD) mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nagtapos sa Hatid Dunong Program ng City Library kahapon (Disyembre 14).

Ang Hatid Dunong Program ay isang special program ng City Library sa tulong ng lokal na pamahalaan kung saan sa loob ng anim na buwan ay pinupuntahan ng mga City Library staff ang mga Persons with Disability (PWD).

Nakasaad sa ating Ordinance #09-012 Article IV sa Special Education & Training, “Ang lokal na pamahalaan ay tinitiyak na ang lahat ng interesadong uri ng mamamayan na may kapansanan ng bayang ito ay mahahatiran ng espesyal na programang pang edukasyon.”

Pinarangalan nina Brgy. Capt. Rodrigo P. Llena at City Librarian Helen H. Ercilla ng sertipiko sina Marvin C. de Guzman, John Paul R. Dumaguing, Rafael U. Esteban, Sheryl R. Galegos, Eden S. Gomico, Althea Kaye P. Indalicio, Jimuel L. Molina, Jonathan B. Saludar, Andrea F. Fontanilla, Jonalyn C. Fontanilla, Rio O. Vallejo, John Rey C. Villa, Carl Jester T. Reyes at Manuella Mae M. Mercado
Pinagkalooban naman si John Rey C. Villa na mula sa Manicla,Palasapas na may Cerebral Palsy ng wheelchair.

Masisilayan ang saya at ligaya sa kanilang mga mukha nang makita nila si Jollibee at mas nadagdagan pa ng kauting tuwa nang maiabot na ang kanilang mga munting regalo.

Lubos naman nagpasalamat ang mga magulang ng mga may kapansanan sa matitiyagang nagturo sa kanilang mga anak at sa mga bumuo ng programang ito.
- Jasmine Soro