Kasalang Bayan sa San Jose, ginanap sa Araw ng mga Puso
Published: February 15, 2017 05:49 PM
Nagmistulang isang engrandeng kasalan ang sana ay simpleng Kasalang Bayan na ginanap sa San Jose City Social Circle dahil sa mahusay, maayos at puspusang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng Office of the City Mayor, Local Civil Registry, at Public Information Office.
Tradisyonal na ginaganap tuwing kapistahan ng bayan subalit isinabay ang Kasalang Bayan sa Araw ng mga Puso ngayong 2017 upang mabigyan ng magandang kahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib ng mga magsing-irog.
Sinimulan ang okasyon sa pagpasok ng 76 na pares ng ikakasal na lumakad sa red carpet na inilatag sa City Hall Courtyard na pinalamutian ng magagandang bulaklak at may eleganteng entablado. Masaya silang pinanood ng mga saksi at kanilang mga kaanak. Sinundan ito ng pormal na seremonyas at pagkakasal ni Mayor Mario O. Salvador sa mga nag-iisang-dibdib.
Nagbigay naman ng mensahe si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang sa mga bagong kasal. Binati at pinayuhan niya ang mga ito na gawing sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon.
Ipinaghanda rin ng Lokal na Pamahalaan ng hapunan ang mga ikinasal at ang kanilang mga bisita at kapamilya. Isang maayos na piging sa City Social Circle (Keg-Keg) ang sumunod sa pormal sa kasalan. Halos isang libo ang dumalo at nakisaya sa hapag-kainan habang nakikinig sa mga awit ng bandang nagbigay ng kasiyahan sa pagtitipon.
Limang mag- asawa ang tumanggap ng espesyal na gantimpala na personal na ini-sponsoran ni Mayor Salvador: Earliest Love Birds, Oldest and Youngest Couples, Best Dressed Couple and Sweetest Couple of the Night. Nag-sponsor din ng award ang mga City Councilors gayundin si Bokal Ed Agliam.
Ayon sa Punong Lungsod, ipinagpaliban niya muna ang personal na lakad nilang mag-asawa at piniling makisaya sa mga bagong kasal bilang “date” nila sa Araw ng mga Puso. (Melody Bartolome)