Division Athletic Meet 2016
Published: December 14, 2016 10:49 AM
Ginanap ang Division Athletic Meet 2016 sa San Jose City National High School nitong nakaraang Huwebes (Disyembre 8) hanggang ika-10 ng Disyembre.
Ipinakilala ang mga manlalaro mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod at ito ay nahati sa CLUSTER A, CLUSTER B, PRISAA Elementary, PRISAA Secondary at Technical Vocational Cluster (TVI)
Nagbigay rin ng napakagandang mensahe ang ating butihing Mayor Kokoy Salvador na ipinaabot naman ni City Administrator Alexander Glen Bautista.
Aniya, dito mahuhubog ang mga kakayahan at talento ng mga kabataan upang magkaroon tayo ng pang-world class na mga atleta mula sa ating lungsod, kaya naman ang ganitong klaseng kaganapan ay lubos na sinusuportahan ng ating Mayor.
Nagbigay rin ng mensahe si Schools Division Superintendent Teresa D. Mababa na ginawang mabuting halimbawa ang ating Mayor na nagtapos sa Constancio Padilla National High School na ngayon ay San Jose City National High School na.
Ayon sa kanya, napakamatulungin at napakabuting tao ni Mayor, naging magaling na negosyante at ang mga negosyo nila ay itinayo rito sa lungsod kaya naman maraming San Josenio ang nabigyan ng trabaho.
Iprinisinta rin ang mga naggagandahan at naggagwapuhang estudyante ng bawat eskwelahan at nagpamalas ng sayaw ang San Jose City National High School, CRT Senior High at Core Gateway College.
Hindi rin nagpahuli ang mga guro sa pagsayaw o mass demo.
Magiging kinatawan naman ang mga atletang nagwagi sa darating na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) 2017.- (Jasmine Soro)