News »


Pagibang Damara Festival 2017 | Day1

Published: April 20, 2017 04:41 PM



Iba’t ibang programa, nasaksihan sa pagbubukas ng Pagibang Damara Festival

Masayang sinalubong at dinaluhan ng mga San Josenian ang pagbubukas ng Pagibang Damara Festival 2017 ngayong araw (April).
Unang umarangkada ang MTB Race Duathlon kanilang alas-singko ng umaga bilang simula ng pagdiriwang, at pagsapit ng alas-sais ay nagdaos naman ng Thanksgiving Mass sa St. Joseph Cathedral.
Matapos ang misa ay ginanap ang maiklang programa sa City Social Circle para sa “Masaganang Kainan sa Unang Araw ng Kapistahan” kung saan ilang daang katao ang nagsalo-salo para sa isang boodle fight.
May isang malaking banga ng kanin ang inihanda rito kung saan nangunga sa ceremonial scoop of rice sina Mayor Kokoy Salvador at Congw. Micaela Violago. Kapwa nagbigay din sila ng mga mensahe at pagbati sa kanilang mga kalungsod.
Bukod dito, pormal ding binuksan ang Trade Fair kung saan makikita ang iba’t ibang produkto ng San Jose at ilang kalapit bayan.
Dagdag kasiyahan naman ang larong palosebo na aktibong sinalihan ng mga kabataan.
Gaganapin naman ang inaabangang Voices-SJC Pop Idol mamayang alas siyete ng gabi sa City Social Circle.