Oplan Daloy Activities 2017
Published: March 14, 2017 04:40 PM
Bilang paghahanda sa pagsapit ng tag-ulan, tuloy-tuloy ang isinasagawang Oplan Daloy ng Engineering Office, bilang bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Bagong San Jose.
Kasabay ng pagdadamo ay ang paglilinis din sa mga daluyan ng tubig gaya ng ilog, estero at kanal, upang makadaloy ng maayos ang tubig at maiwasan ang pagkakaroon ng mga stagnant water na maaring pamahayan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at mga daga na maari namang makapagdulot ng leptospirosis.
Bukod dito isinasasaayos din ng naturang tanggapan ang mga manhole sa daanan at nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng clean up drive.
-Ella Aiza D. Reyes