News »


SWM Campaign: Brgy. Kita-Kita

Published: March 07, 2017 09:42 AM



Bilang suporta sa maigting na kampanya ng lungsod sa tamang pagsisinop ng basura, nagsagawa ng Information Education Campaign ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) nito lamang Sabado (March 4).

Katuwang ang mga opisyal ng Brgy. Kita-Kita, inikot ang buong barangay sa pamamagitan ng motorcade at namigay ng mga flyers upang palaganapin ang kahalagahan ng Solid Waste Management (SWM).

Kasamang nakibahagi sa nasabing kampanya ang mga miyembro ng Barangay Solid Waste Management Committee (BSWMC) kabilang na ang barangay officials, education sector, KALIPI, junkshop owners at marami pang iba.

Layon nito na mas lalong mapalawak ang kaalaman ng bawat residente sa barangay tungkol sa SWM para sa ikatatagumpay ng nasabing adhikain.

Bilang resulta ng isinagawang SWM Workshop noong Disyembre, bumuo na ng sariling ordinansa ang bawat barangay upang maipatupad ang mga alituntunin na may kaugnayan sa tamang pamamahala ng basura, gayundin ang makapagpataw ng karamtang parusa sa sinumang lalabag dito.

Ang binuong ordinansa sa mga barangay ay hango sa City Ordinance No. 05-125 o Ordinance Providing for Comprehensive Ecological Solid Waste Management na ipinatutupad sa lungsod.
Isa ang Brgy. Kita-Kita sa nagtataguyod at tumatangkilik ng mga programang pangkalikasan ng lungsod.

(Rozz Agoyaoy-Rubio)