News »


2nd Barangay Fire Olympics, matagumpay na idinaos

Published: March 03, 2017 09:38 AM



Nagsagawa ng Fire Olympics ang Bureau of Fire Protection of BFP kasama ang SAGIP 3121 at mga Barangay Fire Volunteers nitong Sabado bilang paghahanda para sa Fire Prevention Month ngayong Marso.

Sinalihan ang Fire Olympics ng labing-anim na barangay, kung saan pinagsama-sama ito para makabuo ng apat na cluster.

Nagtunggali ang bawat cluster o grupo sa apat na kategorya ng nasabing kompetisyon, kabilang dito ang busted hose relay, bucket relay, fire extinguisher operation, at rescue relay.

Nagwagi ang Cluster 1 na kinabibilangan ng Barangay Sibut, Parang Mangga, at Tulat.
Layunin ng nasabing aktibidad na matuto ng Fire Fighting Skills o masanay sa tamang pag-apula ng sunog ang mga residente ng barangay upang sila ang unang rumesponde kung sakaling may sunog sa kanilang lugar.