Zumba Eskuwela, patok sa mga bata
Published: March 02, 2017 12:14 PM
Sumali na rin sa pagsu-zumba ang mga batang mag-aaral sa lungsod bilang bahagi ng K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan.
Nitong buwan ng Pebrero, nagdaos ng Zumba Eskwela sa Barangay Tayabo, Manicla, Kita-kita at Kaliwanagan kung saan daan-daang mag-aaral ng elementarya ang lumahok, kasama ang kanilang mga guro at school principal.
Nagsilbi namang ZIN o Zumba Instructor dito si Mark Castillo.
Ayon kay Zumba Eskwela Coordinator Monalisa Vera Jardinero, layunin ng programang ito na mahikayat ang mga bata sa pag-eehersisyo para sa mabuting kalusugan at magkaroon ng magandang pangangatawan.
(Melody Z. Bartolome/Jovie Ann Pausal)