Pagsasanay ng Enforcers para sa Ordinansang Pangkalikasan
Published: March 16, 2017 04:08 PM
Isinasagawa ngayong linggong ito ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO ang pagsasanay para sa mga itatalagang tagapagpatupad ng ordinansang pangkalikasan sa barangay o ang mga Barangay Deputized Enforcers.
Tinatayang 460 enforcers mula sa 38 barangay ng lungsod ang sumasailalim sa training na nagsimula noong Lunes (March 13) at magpapatuloy hanggang Biyernes (March 17).
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong maiangat ang kaalaman ng mga magsisilbing enforcers tungkol sa buong proseso, mga teknikalidad at legalidad ng tungkuling kanilang gagampanan.
Kabilang sa mga tinatalakay rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Enforcer Unit, maging ang gampanin ng bawat barangay para kani-kanilang ordinansa.
Tinukoy rin sa pagsasanay ang mga isyu at kasalukuyang sitwasyon na dapat isaalang-alang sa implementasyon ng batas.
Dagdag pa rito, binigyang linaw ang karapatan ng bawat enforcer at ang kasiguraduhang protektado sila ng batas.
Buo naman ang suporta ng Lokal na Pamahalaan na ayon pa kay Punong Lungsod Kokoy Salvador, malaki ang bahagi ng mga barangay enforcers para sa ikatatagumpay ng mga programang pangkalikasan.
Ito ay hudyat para sa maigting na implementasyon ng ordinansang binalangkas sa mga barangay kaugnay ng City Ordinance No. 05-125 o Ordinance Providing for Comprehensive Ecological Solid Waste Management na pinagtibay noong taong 2005.