Mayor Kokoy Salvador Ulat sa Bayan 2017
Published: March 29, 2017 12:00 PM
Inilahad ni Mayor Kokoy Salvador ang mga naisakatuparang proyekto sa loob ng anim na buwang panunungkulan niya sa kanyang kauna-unahang State of the City Address (SOCAD) o Ulat sa Bayan na ginanap nitong ika-22 ng Marso sa Pag-asa Sports Complex, Brgy. F.E. Marcos.
Sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation, naiprisinta sa publiko ang mga programa at serbisyong napakinabangan ng mga San Josenio dahil sa pagkakaisa at suporta ng bawat departamento.
Itinampok din ni Mayor Kokoy ang kanyang mga planong proyekto para sa taong ito, kung saan ibinida niya ang Tayabo Nature’s Park na unti-unti nang pinapaganda ngayon, kabilang na ang pagsasaayos sa swimming pool at mga cottage. Maglalagay din dito ng organic farming at zipline upang hindi na lang maging daanan ang lungsod kundi maging stopover ng mga biyahero.
Maging ang mga bagong kursong maaaring i-enroll sa San Jose City Skills Training Center ay madadagdagan na.
Aabangan din sa taong ito ang pagkakaroon ng LED sa tabi ng clock tower kung saan doon makikita ang mga bagong ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod at iba pang anunsiyo upang maging updated ang bawat isa.
Dagdag pa dito, inilahad din ni Mayor Kokoy ang patubig para sa mga barangay na hirap sa suplay ng tubig at ang Ospital ng Lungsod na inaasahang matapos sa 2018.
–Ella Aiza D. Reyes