Mga pangulo ng Senior Citizen sa bawat Barangay, pinulong
Published: January 16, 2017 04:59 PM
Inilahad ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang kanyang napag-iisipang mga plano para sa mga Senior Citizen upang lalo pang maisaayos ang kanilang sektor.
Sa naganap na pulong kanina (January 16) sinabi ni Mayor Kokoy na marami pa rin siyang nakakausap na mga nakatatanda na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nabibigyan ng Senior Citizen ID.
Binigyang diin ng Punong Lungsod na kailangang maasikaso agad ng mga pangulo ng bawat barangay ang mga ito, upang pantay-pantay na makakuha ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.
Nais din ng Punong Lungsod na malaman ang bilang ng mga indigent Senior Citizens na bukod sa mahirap ay hindi pa nakatatangap ng tulong pinasyal upang maisama sila sa mas magandang plano ni Mayor Kokoy para sa sektor na ito.
Nagpasalamat naman ang ang mga dumalo sa pulong dahil napagtutuunan at naisasama sila sa mga agenda ng Punong lungsod.
(Ella Aiza D. Reyes)