International Women�s Day Celebration
Published: March 14, 2017 11:33 AM
Magkasunod na ipinagdiwang ng mga grupo ng kababaihan ang International Women’s Day.
Nito lamang March 8, iba’t-ibang aktibidad ang inulunsad ng grupong SAMA KA NA MARE gaya ng tree planting activity, dance contest, medical and dental mission na pinangunahan ng City Health Office, free make up, manicure & pedicure at isang parade na nilahukan din ng mga konsehal ng lungsod.
Samantala nito namang March 10, pormal nang sinimulan ang pagbubukas ng Sports fest ng Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan na may temang “We Make Change Work for Women” na ginanap sa Pagasa Sports Complex .
Nasaksihan dito ang pagtatanghal ng mga miyembro ng KALIPI San Juan, Abar 1st, Palestina at ang KALIPI Federation Officers kung saan nagpakitang gilas sila sa larangan ng sayaw, theatre play.
Dumalo din sa nasabing pagtitipon si City Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Macadangdang kung saan ipinaabot nila ang kanilang pagbati sa mga kababaihan at sinabing suportado nila ang organisasyon ng KALIPI at SAMA KA NA MARE, maging ang adhikain ng samahan.
Pinangunahan ng City Social Welfare Development Office at ng City Cooperative Office ang naturang programa.
–Ella Aiza D. Reyes