Distribution of Agricultural Inputs
Published: February 09, 2017 02:08 PM
Higit 900 sako ng abono, ipinamahagi sa mga magsasaka
Bilang ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng nagdaang bagyong Karen at Lawin, nagbigay ng libreng abono ang Food and Agriculture Organization (FAO) sa pamamagitan ng City Agriculture Office nitong ika-8 ng Pebrero.
Ayon kay City Supervising Agriculturist Violeta Vargas ng City Agriculture Office, anim mula sa 33 agricultural barangay ang napiling bigyan ng ayuda dahil ang mga ito ang lubos na naapektuhan ng naturang kalamidad.
Kaugnay nito, aabot naman sa 462 magsasaka ang nakatanggap ng tig-dalawang sako ng abono na magagamit nila sa susunod na cropping.
Ibinalita rin ni FAO Team Leader Mario Corado na mamamahagi ulit ang kanilang ahensya ng mga libreng buto ng gulay, asarol, at pandilig sa susunod na buwan upang madagdagan ang mapagkukunan nila ng kanilang kabuhayan.
Samantala, ipinaabot naman ni Mayor Kokoy Salvador ang kanyang pagbati at pasasalamat sa pamamagitan ni Assistant CPDC Romeo Yacan Jr., kung saan sinabi niya na malaking tulong ito para sa mga magsasaka upang kahit papano’y makabawi sila sa mga nasirang pananim noong nakaraang taon.
Pinuri din ni Ginoong Yacan ang mga technician dahil sa maagap nilang pagtukoy sa mga barangay na lubos na naapektuhan ng kalamidad.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang tinanggap at umaasa silang magiging maganda ang kahihinatnan nito sa susunod na taniman.
Dumalo rin sa nasabing pamamahagi si Dr. Eva Fernando, Region III Agricultural Program Coordinating Officer. - Ella Aiza D. Reyes