News »


Voices - SJC Pop Idol 2017

Published: April 24, 2017 05:04 PM



Muli na namang nagpamalas ng galing sa pagkanta ang 14 na kalahok sa Voices – San Jose City Pop Idol nitong Abril 20, bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.

Naging mahigpit ang labanan ng napiling apat na finalist na kumanta ng “Sana Maulit Muli” bago piliin ang kampeon sa naturang singing contest.

Sa huli, nangibabaw ang tinig ng 18 taong gulang na si Philip S. Pajarillo na siyang tinanghal na kampeon sa taong ito. Tumanggap ng dalawampu’t limang libong pisong papremyo at tropeo si Pajarillo na taga-Brgy. Sibut.

First runner-up naman si Ma. Theresa DJ. Punzalan ng Brgy. Calaocan, 2nd runner-up si Ma. Lucila D. Cristal ng Abar 1st, at 3rd runner-up si Maricar R. Duyon ng San Agustin.

Ang SJC Pop Idol ay inorganisa ng San Jose City Chamber of Commerce habang major sponsor naman ang San Jose City LGU. Layunin nitong maka-diskubre ng mga lokal na talento sa larangan ng pag-awit.