The Voice Philippines audition, dinumog
Published: February 21, 2017 04:52 PM
Bitbit ang pangarap, daan-daang kabataan ang dumayo sa lungsod upang sumubok ng kapalaran sa ginanap na audition ng The Voice Teens at Dance Kids/Teens nito lamang nakaraang Biyernes (February 17).
Hindi lamang dito sa lungsod nagmula ang mga kabataang lumahok kundi maging sa mga karatig bayan at probinsya.
Masusing kinilatis ng mga kinatawan ng The Voice Philippines mula sa ABS-CBN ang bawat kabataan edad 13-17 na nagpakita ng kani-kaniyang talento sa pag-awit.
Humataw naman ng iba’t ibang moves ang mga bata edad 4-17 na nakipagsapalaran para sa solo, dou or group dance competition.
Ginanap sa 3rd floor ng City Hall Building ang dalawang level ng elimination.
Buo naman ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa naturang aktibidad.
-Rozz Agoyaoy-Rubio