News »


Street Children, pinasaya ngayong kapaskuhan

Published: December 27, 2016 04:51 PM



Nagbigay saya ngayong kapaskuhan ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga street children upang ipakita sa kanila ang kalinga ng Lokal na Pamahalaan at iparamdam ang tunay na diwa ng pasko.

Tampok dito ang iba’t ibang palaro at raffle kung saan aktibong nakisaya ang mga kabataan.

Masaya namang ibinalita ni CSWD Officer Lourdes Medina na pag-aaralin ang mga gustong mag-aral at tuturuan din ng mga livelihood pogram ang kanilang mga magulang na aniya ay ilan sa magagandang layunin ni Mayor Kokoy Salvador para sa Bagong San Jose.

Nagbigay rin ng mga donasyon gaya ng pera, pagkain, mga damit at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao, na mula sa mga San Josenians na bukas palad at handang tumulong sa mga nangangailangan.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si City Administrator Alexander Glen Bautista upang ipaabot ang pagbati ng butihing Punong Lungsod at ipaalam sa kanila na patuloy na susuporta at aalay ang Lokal na Pamahalaan para matulungang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Maliban sa pagkukop ng mga kawani ng CSWDO sa mga street children, tinuturuan din sila ng magagandang asal para maging mabuting ehemplong kabataan.