Taniman ng kamatis sa ilang barangay, kinumusta
Published: January 31, 2017 12:49 PM
Naglibot nitong Miyerkules ang City Agriculture Office sa Barangay Camanacsacan, Tondod at Tulat upang tignan ang kondisyon ng mga pananim na kamatis ng San Jose City Vegetable Producers Association.
Binuo ang naturang samahan noong Marso ng nakaraang taon at masugid na ginagabayan ng Agriculture Office para mas mapaganda ang kalidad ng kanilang mga pananim at para mapataas ang kanilang ani.
Ilan sa mga variety ng kamatis na itinanim ng San Jose City Vegetable Producers Association ay Avatar, Kingkong, at Champ.
Ayon kay Agriculturist II Wilfredo Alfonso, ang kanilang tanggapan ay katulong din ng mga magsasaka na magkaroon ng sure buyer o mga tiyak na mamimili bago pa sila magtanim.
Dagdag pa ni Alfonso, malaki ang maitutulong ng isang asosasyon para maakit ang mga buyer na bilhin ang kanilang mga produkto dahil sa pagiging organisado ng mga magsasaka.
Nagpasalamat naman ang presidente ng asosasyon na si Mary Jane Ampil sa tulong na ibinibigay sa kanila ng Lokal na Pamahalaan.
Sinabi ni Ampil na mas magpupursige pa silang mapaganda ang kalidad ng kanilang mga produkto upang maipagmalaki ng lungsod.
Maliban sa kamatis, magtatanim din sila ng pipino at bell pepper sa darating na wet season.
Sa mga susunod na buwan naman ay magkakaroon ng lakbay aral, pagpupulong, at iba pang mga aktibidad ang nasabing asosasyon para mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagsasaka.
(Jennylyn Nicer Cornel)