Rehabilitasyon ng Tayabo Natures Park, inumpisahan na
Published: February 22, 2017 01:48 PM
Sinimulan na nitong lunes (Feb. 20) ang pagsasagawa ng rehabilitasyon ng Tayabo Natures Park na itinakda upang maging tourist spot sa lungsod.
Kabilang sa unang paghahanda ay ang pagsasaayos ng dalawang swimming pools, pagpipintura sa 100 steps at view deck, maging ang paglilinis sa masusukal na bahagi ng nasabing parke.
Inaasahan namang bubuksan agad sa publiko ang mga bagong atraksyon oras na ito ay maging maayos at ligtas na para sa mga bibisita.
Ang pagpapaganda sa naturang park ay naisasagawa sa pangunguna ng City Tourism Office katuwang ang Tanggapan ng Punong Lungsod.
-Rozz Agoyaoy-Rubio