Street Dancing Competition, mas pinakulay ngayong taon
Published: April 22, 2017 04:57 PM
Nasaksihan ang mas makulay na street dancing competition ngayong taon na isinagawa kahapon (April 21) bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Naging kapansin-pansin ang matitingkad na kulay ng costume ng mga estudyanteng mananayaw at magagarbong props na ginamit ng siyam na eskwelahang kalahok.
Dumagsa naman ang mga tao sa kalye at palengke para panoorin ang mga street dancer na sumayaw mula City Hall Compound papuntang Public Market, kung saan ipinamalas nila ang kanilang nakakaaliw na presentasyon.
Kaugnay nito, tinanghal na kampeon ngayong taon ang Elim School for Values and Excellence, pumangalawa ang San Jose City National High School at Tondod High School na siya ring nagkamit ng Best in Costume.
Nagpasalamat naman si Punong lungsod Kokoy Salvador sa lahat ng mga paaralang nakiisa sa Street Dancing.
-Ella Aiza D. Reyes