Sari-sari Store & Welding Business Training Course
Published: January 18, 2017 05:03 PM
Tamang pagpapatakbo ng negosyo, itinuro sa mga piling benepisyaryo ng Livelihood program
Apatnapung benepisyaryo ng programang pangkabuhayan ang nakinabang sa ibinahaging tips ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) tungkol sa tamang pagpapatakbo at pagpapalago ng negosyo nitong ika-17 ng Enero.
Ilan sa mga itinuro ni Local Employment Officer I Estrella de Lara ay ang pagiging masaya sa ginagawa at pagkakaroon ng 'uniqueness', dahil ito aniya ang unang dapat isaalang-alang ng isang nagnanais magnegosyo.
Dagdag pa ni de Lara na nangangailangan ang pagnenegosyo ng tiyaga at malaking oras na paggugol kung kaya’t kaakibat dapat nito ang pagmamahal upang hindi pagsawaan ang magtrabaho.
Ipinaalala rin ni SMAW Trainer Ronaldo Pascua ang tungkol sa kalidad ng trabaho ng mga welder.
Kaugnay nito, iginawad nina Senior Labor Employment Officer Zenaida Barangan ng PESO at mga kinatawan ng DOLE ang sari-sari items sa 20 Sari-sari Store beneficiaries na maari nilang ibenta sa kanilang pagsisimula.
Binigyan din ang mga 20 Shielded Metal Arc Welding (SMAW) beneficiaries ng tig-isang set ng welding machine at welding rod.
Binati naman nina Vice Mayor Glenda Macadangdang at Executive Assistant V Ceasar Cervantes ang mga benepisyaryo at sinabing mapalago sana nila ang kanilang mga natanggap upang maging ganap nila itong kabuhayan.
(Ella Aiza D. Reyes)